
A lifetime of luxury
This is a eulogy for my grandmother, Dominga Robles, who passed away last 14th of April 2021 at 89 years of age.
Hoy, halika.
Ito yung sinasabi ni Inay kapag gusto kang tawagan. Kahit sino pa man yan: sa mga anak niya, sa mga driver, sa mga apo’t apo-sa-tuhod, sa yaya o kahit sa tambay sa kanto ng Evangelista. Lahat ng pangalan natin nagiging “Hoy” kapag tinatawag tayo ni Inay.
Eh sa dami naman niyang minamahal sa buhay, siguro naman naiintindihan natin kung bakit na siya nakakalimut.
Excy, ay Levy, ay Millie, ay Obet, ay Tonet pala.
Annie, ay Irene, ay Nanie pala.
Robi, ay Rebi pala.
Di naman tayo madalas tawagan ni Inay kaya, syempre, pinagbibigyan na natin. At tuwing kailan ba tayo tinatawag ni Inay?
Hoy, halika. Magdasal na tayo.
Hoy, halika. Kumain ka na.
Hoy, halika. Dito ka nalang matulog.
Magdasal, kumain, at makisama. Yun lang naman ang hiningi ni Inay sa atin.
We all know Inay was a simple person. But honestly I’ve counted 4 luxuries that she has had in her life.
First, her “Ferrari.” Nakita niyo na ba? Matulin, maliksi, at napakatahimik. You might be wondering: Huh? Eh van lang naman nasa garahe niya ah? For those of you who don’t know, Inay’s Ferrari is the walking aid she uses every morning.
Pangalawang luxury niya ay yung pinamalangke niya. Dito lumalabas yung kaartehan ni Inay. Para sa kaniya, only the finest ang isdang ipapadala sa kanyang mga anak at para sa Sunday lunch namin. Maselan kasi si Inay sa pagkain. Kung hindi niya type, di naman din niya kayang itago: ay, hindi masarap. Walang lasa.
Her third luxury is Japan. Wow, ang sosyal naman ni Inay, nag-rrequest mag-abroad? Actually, malapit lang po ang Japan. Sa Pasig, sa may bandang Kapitolyo. Isang order ng kani mango salad at gindara, solve na siya. “Haru Sushi Bar and Restaurant”, iyan ang Japan para kay Inay.
Ang huling luxury ni Inay ay ang kaniyang mga birthday. Para sa mga naging present, alam niyo naman na napaka-bongga, di ba? Pati mga entertainers natin, world-class. Alam mong may budget… pero bakit nauwi parin sa showcase ng mga apong nagkukunwaring talented?
Even the simplest people have their own luxuries.
My mom was telling me that Inay had a saying: Kung magtrabaho kayo, akala mo ang lakas niyong kumain. What did she mean by that? Inay was born in a time noong bukid palang ang Santolan. Never in her wildest dreams would she have thought of becoming a matriarch of a successful family business, surrounded by blessings she couldn’t even begin to comprehend. And yet to her, what was the use of all this money when you couldn’t stop to appreciate the smaller things in life? And in these difficult times, we are all forced to reflect on what truly matters in this world. For Inay, it was this:
Hoy, halika. Magdasal na tayo.
Hoy, halika. Kumain ka na.
Hoy, halika. Dito ka nalang matulog.